Magkatuwang na nagtatag ang liderato ng Bangsamoro regional government at ang tanggapan ni Regional Health Minister Kadil Monera Sinolinding, Jr. ng isang field health office para sa mga residente ng Special Geographic Area, o SGA sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.
Ang Bangsamoro field health office sa Batulawan sa bayan ng Pikit sa probinsya ng Cotabato ay pangangasiwaan ng mga health workers na sakop ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Bagama’t nasa teritoryo ng Cotabato province na sakop ng Administrative Region 12, naging parte ng BARMM ang 63 SGA barangays sa ibat-ibang mga bayan sa probinsya ng bomoto ang mga botante sa naturang mga barangay ng pabor sa panukalang ipapasailalim ang kanikanilang mga barangay sa Bangsamoro region sa pamamagitan ng isang plebisito noong 2019.
Sakop na ang 63 barangays ng walong mga BARMM municipalities na itinatag ng Bangsamoro parliament bago lamang.
Ayon kay BARMM Health Minister Sinolinding, isang physician-ophthalmologist na kasapi ng Bangsamoro parliament na may 80 na mga miyembro, ang kanilang pagtatag ng field health office, nasa Barangay Batulawan sa Pikit at para sa mga residente ng SGA barangays, ay ayon sa direktiba ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.
Makikita sa larawan sina Health Minister Sinolinding at ang isa pang mataas na opisyal din ng MoH-BARMM, ang kapwa niyang doctor of medicine na si Zul Qarneyn Abas. (July 22, 2024)