
Patay agad sa mga tama ng bala si Engineer Darlene Pacete ng Ministry of Public Works-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng lapitan ng isang lalaki at pagbabarilin habang kumakain sa isang karenderya sa gilid ng highway sa Barangay Tamontaka sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte nitong hapon ng Huwebes, Nov. 14, 2024.
Ang napatay na si Pacete ay residente ng naturan din barangay, ayon sa inisyal na ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station.
Mabilis na nakatakas ang pumatay kay Pacete gamit ang motorsiklong dala ng kasabwat na nakaparada sa labas ng kainan kung saan siya pinatay. (Nov, 15, 2024)