
Agad na namatay sa mga tama ng bala ang babaeng assistant director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Region 11 nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga armado sa Barangay Cagangohan sa Panabo City, Davao del Norte nitong umaga ng Sabado, December 7, 2024.
Sa ulat ng Police Regional Office 11 nitong Linggo, ang biktima, si Karen Diana Candilosas, 42-anyos, taga barangay Dapco sa Panabo City, ay nasa kanyang sasakyan na naka-parada sa isang lugar sa Purok Marang sa Barangay Cagangahon sa naturang lungsod ng lapitan ng dalawang lalaki at agad na pinagbabaril.
Sa front seat ng sinasakyang pick-up truck na nalagutan ng hininga ang Candilosas sanhi ng mga tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Davao del Norte Provincial Police Office.
Wala pang linaw sa mga imbestigador ng pulisya at sa mga local officials ng Panabo City kung sino ang mga pumatay kay Candilosas at kung ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen. (Dec.9, 2024)