
Pinaghahanap na ng pulisya ang isang murder suspect, si Randy Martinez, na napatay ang kanyang mga nautangan ng malaking halaga ng tumanging muli siyang pautangin nitong Huwebes, December 12, 2024.
Naganap ang madugong insidente sa Sitio Timubo, Cabongaan, San Francisco sa Camotes Island sa Visayas, na dakong silangan, o east side, ng Cebu.
Ayon sa mga opisyal ng Police Regional Office 7 na sakop ang Camotes Island, pinagbabaril ni Martinez si Bernardo Sampan, 42-anyos, at kanyang 41-anyos na misis na si Narcisa ng sila ay tumangging pautangin pa siyang muli dahil hindi pa nakakabayad ng kanyang unang mga nautang na pera mula sa kanila.
Patay sanhi ng mga tama ng bala ang mag-asawa at ang kanilang pinagkakatiwalaang kasambahay na itinuturing nilang parang tunay na anak, si Cleah Nicole Villamor, 14-anyos, sa walang habas na pamamaril ng nagwalang si Martinez.
Tinangay pa ni Martinez ang motorsiklo ng mag-asawa na kanyang sinakyan sa kanyang pagtakas, ayon sa pulisya at mga barangay officials sa Camotes Island.
Makikita sa larawan ang mga napaslang ni Martinez na mag-asawa at kanilang itinuturing na adopted daughter, ang 14-anyos na si Villamor. (December 14, 2024)