
Isang 10-wheeler van ang lumagpak ng patagilid sa isang bahagi ng highway sa bayan ng Tukuran sa Zamboanga del Sur nitong Huwebes, December 5, 2024.
Ayon sa Tukuran Municipal Police Station, nawalan diumano ng control ang driver ng truck, may kargang commercial animal feeds, ng pumutok ang isang gulong nito sa harap, kaya naganap ang aksidente.
Wala namang naiulat na nasaktan ng malubha, o nasawi sa insidente. (Dec. 6, 2024, handout Facebook image)