Nagpahayag ng suporta ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition (BGC) sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na maging mapayapa at makatotohanan ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections sa susunod na taon.
Sa ulat ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City nitong Martes, June 25, 2024, pinulong ng Pangulo ang mga mayor at mga governor sa BARMM nitong Lunes sa Diamond Hotel sa Manila kung saan kanyang ipinahayag sa kanila ang kanyang mithiin na maging maayos ang 2025 Bangsamoro regional elections at protektado sa anumang hindi kanais-nais na mga pangyayari.
Ang BGG ay isang political coalition na naghahanda ng sumabak sa 2025 parliamentary elections, magkatuwang na pinamumunuan nila Sulu Gov. Hadji Abdusakur Tan, Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr., Maguindanao del Sur Gov. Mariam Sangki Mangudadatu, ang kaniyang kabiyak na si Suharto Mangudadatu na kasalukuyang director ng Technical Education and Skills Development Authority, at Basilan Congressman Mujiv Hataman.
Sa pahayag nitong Martes, tiniyak ni Tan, ang kandidato ng BGC sa pagka-chief minister ng BARMM, na ang kanilang political coalition ay tutulong sa Malacañang, sa Commission on Elections, sa pulisya at militar sa pagtiyak na magiging maayos, malinis at mapayapa ng halalan sa autonomous region sa susunod na taon. (JUNE 25, 2024)