Mahigit 30 na mga barangay sa ilang bayan sa Cotabato province sa Region 12 at mga karatig na bayan sa Maguindanao del Sur sa Bangsamoro region na malapit sa 220,000 ektaryang Ligawasan Marsh ang binaha mula pa nitong madaling araw ng Huwebes.
Kabilang sa mga lugar na binaha ang Barangay Buliok sa bagong tatag na bayan ng Ligawasan sa Bangsamoro Autonomous Region at ilan pang mga lugar sa Pikit, Cotabato na tinataguriang “gateways to Liguasan Marsh” dahil sa malapit ang mga ito sa naturang marsh na bagsakan ng tubig mula sa mga ilog sa mga kabundukan sa mga probinsyang nakapalibot dito.
Nagsimulang umapaw ang tubig sa Liguasan Marsh madaling araw ng Huwebes kasunod ng Malakas na ulan sa mga probinsya sa paligid nito. (JUNE 21, 2024)