Arestado ang dalawang mga illegal gun dealers matapos magbenta ng dalawang M14 rifles at isang M16 rifle sa hindi unipormadong mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region sa Barangay Sarang sa Malabang, Lanao del Sur nitong hapon ng Sabado, May 8, 2024.
Ayon kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Bangsamoro regional police, nasa kustodiya na ng CIDG-BAR ang mga suspects na sina Jamel Cabila Musor at Pananggi Sarip Ampuan, nalambat sa isang operasyong nilatag ni CIDG-BAR regional chief Lt. Col. Ariel Huesca at ng kanyang mga tauhan, sa tulong ng mga impormanteng alam ang illegal na gawain ng dalawa.
Sa mga hiwalay na pahayag nito ring Sabado, pinasalamatan ni Tanggawohn at Huesca ang mga impormanteng tumulong sa paglatag ng naturang matagumpay na entrapment operation.
Labag sa Republic Act 10591 ang pagbebenta, o possession ng mga baril at pampasabog ng walang pahintulot sa national headquarters ng Philippine National Police. (June 8, 2024)