Mag-ina, napatay sa saksak

Napatay sa paulit-ulit na saksak ng isang lasing ang isang isang ina at ang kanyang menor-de-edad na anak na babae nitong gabi ng Lunes, April 15, 2024, sa Barangay Lunib sa Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.Sa mga ulat nitong umaga ng Martes ng Vincenzo Sagun Municipal Police Station agad na namatay sa mga sugat sa ibat-ibang katawan si Maria Shennah Wayan Capilitan, 32-anyos, at ang kanyang 14-anyos na anak na si Fe sa naturang insidente, naganap sa Purok Punta Blanco sa Barangay Lunib.Ayon sa mga imbestigador ng Vincenzo Sagun MPS, sinugod ng salarin, si Juranie Salazar, 27-anyos, ang anak ni Capilitan habang papalapit sa isang tindahan at agad na pinagsasaksak ng mahabang kutsilyo na nagsanhi ng agarang kamatayan nito.Sunod na napatay ng suspect si Capilitan ng tumungo sa pinangyarihan ng krimen ng malaman ang sinapit ng anak.Agad na pinagsasaksak ni Salazar ng kutsilyo si Capilitan na pumanaw din agad dahil sa mga maselang sugat sa dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan.Ayon sa Vincenzo Sagun MPS at sa Zamboanga de Sur Provincial Police Office, nahaharap na sa kaukulang kaso si Salazar, ngayon nasa isang police detention facility na. (April 16, 2024, handout photos)