Ex-judge patay, 7 iba pa sugatan sa aksidente

Nasawi ang isang retiradong huwes, habang pitong iba pa ang sugatan sa banggaan ng dalawang sasakyan sa bahagi ng isang highway sa Cagayan de Oro City sa Region 10 nitong umaga ng Linggo, April 14, 2024.Ayon sa mga hiwalay na inisyal na ulat ng Cagayan de Oro City Police Office at ng Police Regional Office-10, dead on arrival sa isang pagamutan si retired Judge Gael Padilla Paderangga, 72-anyos, at residente ng Upper Carmen sa naturang lungsod.Minamaneho ni Paderangga ang kanyang Kia Sorrento na kulay itim na nakabangga ng isang Totoya Revo na nagsanhi sa pagkakasugat sa ibat-ibang parte ng katawan ng driver nitong si Joshua Dequiña at anim pang kapamilya na kasama niya sa kanyang sasakyan.Mabilis namang naisugod sa hospital sina Dequina at mga kasama ng mga kasapi ng Cagayan de Oro City police at mga kawani ng emergency response office ng local government unit ng lungsod. (April 15, 2024)