5 wanted persons sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte arestado

Limang mailap na wanted sa ibat-ibang krimen na mga taga labas ang isa-isang na-aresto sa ibat-ibang bayan sa Region 9 sa mga pinagsabay na police operations nitong Miyerkules.Sa ulat nitong Biyernes ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, unang na-aresto sa ibat-ibang bayan sa probinsya ng Zamboanga Sibugay ang tatlong may mga kinakaharap na mga kaso, isa sa kanila babae na wanted mula pa noong 2014.Si Marites Ninosa Villa, nasampahan ng kasong multi-million estafa noong 2014 sa Regional Trial Court Branch 21 sa Pagadian City. ay natunton ng mga pulis sa Barangay San Isidro sa Olutanga sa Zamboanga Sibugay sa tulong ng mga local officials. Isang wanted sa kasong attempted murder, si Ricky Matias Franco na taga Isulan, Sultan Kudarat sa Region 12, may warrant of arrest mula sa RTC Branch 19 sa naturang probinsya, ang na-aresto ng mga pulis sa Purok 5 sa Barangay Mirangan sa Siay, Zamboanga Sibugay. Naaresto sa Purok Santan sa Barangay Katipunan sa RT Lim, Zamboanga Sibugay nito ding Miyerkules si Ronald Dinglasa Magsayao, taga Teresa, Rizal na may kasong malicious mischief and qualified trespass sa Teresa-Baras Municipal Circuit Trial Court kanyang pinagmulang probinsya sa Luzon.Si Bienvenido Caballero Lubrido, wanted sa dalawang kasong homicide sa Salug-Gudod MCTC sa Zamboanga del Norte, ay na-aresto sa Barangay Danao sa Salug, Zamboanga del Norte. Si Rowel Pluma Buison, nasampahan ng kasong malicious mischief sa Labason-Gutalac-Kalawit MCTC sa Zamboanga del Norte, ay mapayapang nasilbihan din ng warrant of arrest sa isang police operation nito ring Miyerkules sa Barangay Patawag sa Labason, Zamboanga del Norte.Ayon sa mga opisyal ng PRO-9, nasa kustodiya na ng ibat-ibang police units sa Zamboanga Sibugay at sa Zamboanga del Norte ang limang arestadong mga wanted sa ibat-ibang mga kasong naisampa laban sa kanila sa ibat-ibang mga korte. (April 12, 2024)