Isang drug dealer na taga Cotabato City ang nakumpiskahan ng P34 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Malabang, Lanao del Sur nitong Gabi ng Lunes, April 8, 2024

Kinumpirma nitong gabi ng Lunes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang nalambat na drug dealer, si Zacaria Jaji Nandang, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.Agad na inaresto ng mga kasapi ng PDEA-BARMM at mga operatiba ng ibat-ibang unit ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region si Nandang matapos magbenta sa kanila ng limang kilong shabu, nagkakahalaga ng P34 million, sa isang lugar sa Barangay Matalin sa Malabang sa Lanao del Sur.Si Nandang, residente ng Barangay Bagua 2 sa Cotabato City, ay matagal na diumanong minamanmanan ng PDEA-BARMM at mga intelligence units ng PRO-BAR at ng Cotabato City Police Office dahil sa kanyang malakihang pagbebenta ng shabu sa lunsod at mga karatig bayan sa mga probinsya ng Maguindanao del Norte at Lanao del Sur, parehong sakop ng Bangsamoro region, at sa Cotabato sa Region 12.Ayon ay Castro, na-entrap sa Malabang si Nandang sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanyang illegal na gawain. (APRIL 9, 2024)