Pampasaherong van tumaob sa highway sa Lanao del Norte

Ilang sakay ng pampasaherong van na makikita sa larawan ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng biglang pag-gulong at pagtaob nito sa gilid ng highway sa bayan ng Tubod sa Lanao del Norte sakop ng Region 10 nitong Biyernes, January 10, 2025.

Masuwerteng wala namang nasawi sa insidente na ayon sa mga imbestigador ng Tubod Municipal Police Station ay naganap sanhi ng sobrang bilis ng pagpapatakbo ng driver kaya nawalan ng control ng minamanehong sasakyan. — January 11, 2025

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *