Peryahan na-granada, isa patay

Isa ang kumpirmadong patay sa pagsabog ng granada sa isang peryahan sa Sitio Condring sa Barangay Marbel sa Matalam, Cotabato hatingabi nitong Martes, December 31, 2024, bisperas ng Bagong Taon.

Agad na nanawagan si Matalam Vice Mayor Ralph “Raprap” Rafael sa pulisya na kilalanin ang mga responsible sa pagpapasabog ng granada sa naturang peryahan na nagsanhi ng pagkamatay ng isang residente at pagkasugat ng iba pa.

Magkatuwang na nagpaabot na ng inisyal na ayuda sa mga biktima sina Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza at si Vice Mayor Raprap kasabay ng kanilang pagkondena sa insidente. (January 1, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *