Magnanakaw ng motorsiklo, tepok sa mga pulis

Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang isa diumanong notoryus na magnanakaw ng mga motorsiklo sa Kidapawan City ng nanlaban sa mga pulis na humabol sa kanya ilang minuto lang bago nakapagnakaw muli sa isang barangay sa naturang lungsod nitong gabi ng Biyernes, February 23, 2024.Tangkang kakausapin sana ng mga kasapi ng Kidapawan City Police Office ang suspect, si Winston Alamada, ng masukol sa Barangay Kalaisan dala ang isang nakaw na motor ngunit bumunot ito ng baril kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.Naibalik naman agad ang ninakaw niyang motorsiklong pag-aari ni Ruel Quiamco, isang kagawad sa Barangay Kalaisan sa Kidapawan City.Matagal ng minamanmanan ng lokal na pulisya si Alamada dahil diumano sa pagkakasangkot nito sa mga serye ng nakawan ng mga motorsiklo sa Kidapawan City at ilang mga bayan sa Cotabato province. (February 24, 2024)