Malaking parangal para sa Cotabato provincial government

Isa ang provincial government ng Cotabato, pinamumunuan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, sa tumanggap ng Seal of Good Local Governance, o SGLG award, para sa taong 2024, mula sa central Office ng Department of the Interior and Local Government.

Tinanggap ni Gov. Mendoza ang SGLG award ng Cotabato province nitong Lunes, December 9, 2024, sa Manila Hotel sa Ermita Hotel, kasabay ng pagtanggap din ng ibang local government officials mula sa ibat-ibang panig ng bansa ng SGLG award para sa kanilang mga LGU.

Ang taunang pag-gawad ng central office ng DILG ng SGLG awards ay batay sa maaayos na pamamalakad ng mga public service, peace and security, social welfare, community empowerment at environmental-protection programs ng municipal, city at provincial governments na nominado para sa naturang parangal.

Ayon kay Gov. Mendoza, ang pagkakapasa ng kanilang provincial government sa mga criteria ng SGLG award ay dahil sa mabuti at tapat na serbisyo publiko na ipinapatupad ng lahat ng departamento na sakop ng Office of the Governor ng Cotabato province.

Hindi iginagawad ng DILG central office ang SGLG sa mga municipal, city at provincial governments na ang mga namumuno ay may mga kaso sa Ombudsman o sa anumang korte, may mga pananagutan sa Commission on Audit at sangkot sa mga criminal activities. (December 10, 2024, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *