MANILA (Oct. 23, 2024, Remate Online) – Isang bagong specie ng king cobra ang natukoy at nadiskubre sa Luzon.
Ang bagong specie na ito ay tinawag na Luzon king cobra (Ophiophagus salvatana), na nakilala sa isang bagong landmark na pag-aaral na inilathala sa European Journal of Taxonomy noong Oktubre 16. Ito ay endemic o makikita lamang sa ilang bahagi ng hilagang isla.
Ipinaliwanag ni Jazz Ong, isang herpetologist, ang pisikal na pagkakaiba ng Luzon king cobra sa king cobras sa ibang bahagi ng Asia.
“‘Yung mga King cobras natin sa PIlipinas, they are a bit smaller compared to ‘yung mga King cobras sa Southeast Asia. ‘Yung band is one of the most distinct features ng King cobra eh. Sa salvatana, hindi siya ganun kahalata, mas maliit din ‘yung ulo niya,” aniya.
Ang pagkatuklas ng Luzon king cobra ay makabuluhan, aniya, dahil ito ay magbibigay-daan sa atin na malaman kung gaano pambihira at marupok ang biodiversity ng Pilipinas.
“Now, alam na natin na super endemic siya, meaning dito na lang siya sa Pilipinas. Hindi rin sa buong Luzon, parts of Luzon lang siya nakikita. We have to reevaluate ‘yung IUCN status niya,” dagdag pa ni Ong.
Ang king cobra (Ophiophagus hannah) ay itinuturing na “vulnerable” sa International Union for Conservation of Nature Red List of Threatened Species (IUCN Red List).
“Vulnerable is the classification before endangered. In general, onti na lang talaga sila, it’s possible na kung mas onti pa nga dun ‘yung Luzon king cobra,” dagdag pa niya.
SOURCE: Remate Online, October 23, 2024