Isang uri ng pinaniniwalaang granada, bagama’t wala pang kumpirmasyon ang nga explosives experts ng Cotabato City Police Office, ang sumabog sa tapat ng tanggapan ni Bangsamoro Health Minister Kadil Sinolinding, Jr. na isang kasapi ng din Bangsamoro parliament sa Zenaida Subdivision sa Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City nitong gabi ng Sabado, October 12, 2024.
Iba ang tanggapan ni Doctor Sinolinding bilang parliament member at iba rin ang kanyang opisina bilang health minister na nasa loob ng Bangsamoro capitol, mga isang kilometro lang ang layo mula sa kanyang tanggapan na niyanig ng pagsabog.
Abangan ang dagdag pang detalye. (Oct. 13, 2024) CONTRIBUTED REPORT