Live-in partner timbog sa P90,000 halaga ng shabu

Arestado at nahaharap na sa kaso ang mag-live-in partners na nakumpiskahan ng P90,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 11 at ng pulisya nitong Martes, August 13, 2024, sa Barangay Tanglaw sa bayan ng Braulio E. Judjali sa probinsya ng Davao del Norte.

Hindi na pumalag ang dalawang suspects ng arestuhin ng mga agents ng PDEA-11 at mga pulis matapos silang bentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok 4, District 3 sa Barangay Tanglaw sa naturang bayan.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act pf 2002 ang mga suspects na parehong nakakulong na. (August 14, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *