P544,000 halaga ng shabu nasamsam sa Zamboanga del Sur

Arestado ang dalawang shabu dealers matapos magbenta ng P544,000 na halaga ng shabu sa mga pulis sa isang entrapment operation sa Margosatubig, Zamboanga del Sur nitong gabi ng Lunes.

Kinumpirma nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang pagkakalambat sa dalawang suspects sa naturang entrapment operation sa Purok Lerio sa Barangay Poblacion sa Margosatubig.

Ayon kay Masauding, magkatuwang na nailatag ang naturang operasyon ng mga kasapi ng pulisya sa mga bayan ng Margosatubig at Vicenzo Sagun at ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-9 matapos makatanggap ng ulat hinggil sa pagbebenta ng shabu ng dalawang suspects na parehong nakakulong na.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa, ayon kay Masauding. (August 14, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *