CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines (Pilipino Star Ngayon, August 13, 2024) — Patay ang isang barangay chairman matapos pasukin at pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang barangay hall sa bayan ng Arayat, dito sa lalawigan, nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Central Luzon regional police director, ang biktima na si Chairman Norberto Lumbang, 57-anyos, ng Barangay Lacquios, Arayat, Pampanga.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:30 ng gabi nitong Linggo habang nasa loob ng barangay hall ang nasabing kapitan nang biglang dumating ang apat na suspek lulan ng itim na Toyota Innova na may plakang NAU-2713.
Tatlo sa mga suspek ang bumaba sa sasakyan na isa rito ay armado ng mahabang baril at agad na pinasok sa loob ng barangay hall ang tserman saka pinagbabaril.
Duguang bumulagta ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Matapos ang pamamaril, mabilis na sumakay ang mga suspek sa kanilang getaway vehicle at sumibat sa hindi mabatid na direksyon.
Kaugnay nito, iniutos na ni Hidalgo ang masu¬sing imbestigasyon sa pagpatay sa tserman, naglabas din ng flash alarm at agad na ikinasa ang dragnet operation upang matunton at maaresto ang mga suspek.
SOURCE: PILIPINO STAR NGAYON, AUGUST 13, 2024