Dating Congresswoman Sema, nasa Partido Federal ng Pilipinas na!

Sumanib na sa Partido Federal ng Pilipinas, o PFP, si Bai Sandra Sema, ang dating congresswoman ng Cotabato City at noon ay first district pa ng Maguindanao, ngayon Maguindanao del Norte na.

Mismong ang national president ng PFP na si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. ang nanguna sa panunumpa nitong Lunes, August 5, 2024, ni Sema at kanyang mga kapatid, kanyang mga anak at mga pamangkin na mga halal na barangay officials sa Cotabato City at sa Maguindanao del Norte.

Saksi ang kabiyak ng dating congresswoman, si Bangsamoro Labor and Employment Minister Muslimin Sema, sa naturang okasyon, ginanap sa tanggapan mismo ni Tamayo sa Koronadal City, kabisera ng South Cotabato.

Kilala ang ang dating kongresistang Sema sa kanyang naisakatuparan na mga infrastructure projects sa mga bayan na sakop ng kanyang distrito at sa mga barangay sa Cotabato City na siyang administrative capital ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Masigasig din na supporter ng magkatuwang na inisyatibong Mindanao peace process ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front si Sema noong siya ay nasa kongreso at hanggang sa kasalukuyan. (August 5, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *