Dalawang motorista patay sa aksidente sa Kidapawan

Agad na pumanaw ang dalawang parehong mga lasing na motorista sa salpukan ng kanilang mga motosiklo sa Crossing Marbel sa Barangay Mateo sa Kidapawan City bandang hapon kamakalawa.

Sa ulat ng Kidapawan City Police Office nitong Martes, August 6, 2024, agad na namatay sanhi ng naturang aksidente sina Jimboy Tanggaan,44-anyos, at ang 55-anyos na si Roel Cornejo.

Si Tanggaan ay taga Magpet, isang bayan sa probinsya ng Cotabato na hindi kalayuan sa Kidapawan City habang si Cornejo naman ay residente ng naturang lungsod.

Kinumpirma sa mga imbestigador ng Kidapawan CPO, ayon sa salaysay ng mga kakilala, na parehongg lango sa alak sina Tanggaan at Cornejo ng magkabangaan ang kanilang mga motorsiklong pagewang-gewang at nagkasalubong sa isang bahagi ng highway sa Barangay Mateo sa Kidapawan City, kabisera ng Cotabato province.

Ayon sa mga imbestigador ng lokal na pulisya, walang driver’s license si Tanggaan at parehong hindi naka-rehistro sa Land Transportation Office ang mga motorsiklo nila ni Cornejo. (August 6, 2024, Handout Facebook Image)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *