Nagsagawa ng relief missions mula Martes hanggang Huwebes ang Metrobank Foundation at ang Radio Mindanao Network Foundation para sa mga residente ng Central Mindanao na apektado ng mga baha at kaguluhan.
Hindi bababa sa P1M ang halaga ng mga bigas, mga de-latang pagkain, instant coffee at mga bottled water na ipinamahagi sa mga residente ng Barangay Talitay sa Pikit, Cotabato, sa Cotabato City at ilang coastal barangays sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa naturang outreach activities, pinangunahan ni Erwin Cabilbigan na station manager ng DXMY-RMN sa Cotabato City at ang opisyal ng RMN Foundation na si Patrick Aurelio.
Ang mga residente ng mga seaside areas sa Datu Odin Sinsuat na nakabenepisyo sa joint relief operations ng Metrobank Foundation at RMN Foundation ay lumikas sa mga ligtas na lugar dahil sa mga labanan ng mga armadong grupo nitong nakalipas na dalawang linggo.
Kabilang din sa mga nakabenepisyo sa July 30 at August 1, 2024 relief missions ng Metro Bank Foundation at ng RMN Foundation ang ilang mga residente ng Cotabato City na binaha ang kani-kanilang mga lugar nito lang nakalipas na linggo sanhi ng Bagyong Carina.