3 patay, 5 malubha sa Koronadal highway accident

Tatlo ang agad na nasawi —- sina Rogela Bayang, 24-anyos, Vivian Hilaria 18-anyos, at ang 21-anyos na si Rhealyn Hilaria — sa aksidente sa isang bahagi ng highway sa Purok Ilang-ilang sa Barangay Saravia sa Koronadal City nitong Martes ng gabi, July 30, 2024.

Sangkot sa aksidente ang dalawang motorsiklo at isang pick-up truck ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 12, ayon sa inisyal na ulat ng Koronadal City Police Office sa tanggapan ni Brig. Gen. Percival Augustus P. Placer, director ng Police Regional Office 12.

Patungong sentro ng Koronadal City ang sasakyan ng BFAR-12, nag-overtake sa sinusundang tricycle kaya nito nasapol ang dalawang motorsiklong kasulubong muli sa kabilang direksyon ng highway.

Limang mga sakay ng government-owned pick-up truck, sina James Enrijo, 38-anyos, Ryan Tapon, 22-anyos, Roderick Tapon, 48-anyos, Kenneth Fronda, 24-anyos, at ang 40-anyos na si Reynan Lara, ang nagtamo ng mga pasa at mga sugat sa katawan sanhi ng aksidente, agad na naisugod sa pagamutan ng mga emergency responders.

Patungo ang pick-up truck sa bayan ng Banga sa South Cotabato ng maganap ang aksidente, ayon sa mga imbestigador ng Koronadal City police force.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *