Maagang highway accident sa Zamboanga City

Nasapol ng isang mabilis ang takbo na Totoya Hilux Pick-up truck ang likuran isang Kia Sportage at ang dulong bahagi ng isang trailer na hatak ng isang prime mover truck sa isang bahagi ng Maria Clara L. Lobregat sa Purok Green Valey sa Barangay Manicahan bandang 5:30 a.m. nitong Lunes, July 29, 2024.

Isang sakay ng Toyota Hilux pick-up truck ang nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan sanhi ng aksidente.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga City Police Office, kakababa pa lang sa gilid ng highway ng isang heavy equipment mixer unit na karga ng trailer na hatak ng truck at uusad na sana ito paliko kaya pansamantalang humimpil ang Kia Sportage upang mabigyan ito ng lugar sa pagliko.

Biglang dumating ang mabilis ang takbong Toyota Hilux pick-up truck, binangga ang Kia Sportage mula sa likuran kaya parehong nabundol ng dalawang sasakyan ang dulong bahagi ng trailer. (July 29, 2024, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *