Binigyan ng kaukulang parangal ng local government unit ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao del Norte si Army Major Gen. Alex Rillera ng 6th Infantry Division sa naganap na pagpalit sa kanya bilang commander ng 6th ID ni Major Gen. Antonio Nafarrete nitong Martes, July 23, 2024.
Ganap ng nagretiro sa pagka-sundalo noong July 23, 2024 si Rillera matapos manilbihan ng mahigit 30 taon sa Philippine Army.
Iginawad ni Datu Blah Mayor Marshall Sinsuat kay Rillera ang isang special citation kaugnay ng ng mabuting pagtanaw at pasasalamat ng mga taga Datu Blah Sinsuat Sinsuat sa mga peace and security programs niya sa naturang bayan habang siya pa ang namumuno ng 6th ID.
Suportado ng Datu Blah Sinsuat municipal government ang mga peace and development projects ng 6th ID sa lahat ng seaside barangays na sakop nito na ngayon umuunlad na at kilala ng isang major destination ng mga beachgoers mula sa Cotabato City at ibat-ibang mga bayan sa Cotabato province sa Region 12, sa Maguindanao del Norte at sa Maguindanao del Sur na parehong sakop ng Bangsamoro region.
Nagpahayag ng suporta sa bagong commander ng 6th ID na si Major Gen. Nafarrette ang mga local officials sa Datu Blah Sinsuat matapos ang pag-turnover sa kanya ni Rillera ng kanyang puwesto sa isang seremonyang pinangunahan mismo ni Philippine Army Commander Lt. Gen. Roy Galido sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong July 23, 2024. (July 27, 2024)