Dinalaw ng mga elected officials sa mga probinsya ng Bangsamoro region kamakalawa sa kanyang tanggapan si Senate President Chiz Escudero kung saan kanila diumanong napag-usapan ang mga peace and security at development issues sa autonomous region.
Nakatakda ng idaos ang kaunaunahang parliamentary elections sa Bangsamoro region sa susunod na taon.
Kabilang sa mga grupong nakipagpulong kay Escudero ang magkabiyak na sina Maguindanao del Sur Gov. Mariam Mangudadatu at Suharto Mangudadatu na dating governor ng Sultan Kudarat at kaka-resign lang bilang executive director ng Technical Skills and Development Authority, si Basilan Congressman Mujiv Hataman, si Lanao del Sur Congressman Zia Alonto Adiong, at si Sulu Gov. Hadji Abdusakur Tan, Sr.
Silang lahat ang magkatuwang na namumuno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Grand Coalition, o BGC, na si Gov. Tan ang siyang napiling kandidato sa pagka-chief minister ng BARMM sa nakatakda ng 2025 regional elections.
Kabilang din sa mga namumuno sa BGC si Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong, Jr., at si Lanao del Sur Vice Gov. Mohammad Khalid Rakiin Adiong, parehong mataas na mga opisyal ng popular na Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo (SIAP) regional political party na kaalyado ng BGC, rehistrado na sa Commission on Elections at may mahigit 300,000 na na mga lantad na mga miyembro at supporters sa anim na probinsya at tatlong lungsod sa Bangsamoro region. (July 24, 2024)