Nagpahayag ng kagalakan nitong Huwebes, July 18, 2024, si Bangsamoro Labor Minister Muslimin Sema ng kagalakan sa mga positibong bunga ng kooperasyon ng Ministry of Labor and Employment at ng tanggapan ni Joel Gonzalez, regional director ng Department of Labor and Employment-12.
Magkatuwang ang MoLE-BARMM at ang DoLE-12 sa mga programang nagsusulong ng ikakabuti ng labor sector sa mga probinsya sa Central Mindanao na sakop ng Bangsamoro region at sa kabisera nito, ang Cotabato City.
Isa sa programang magkatuwang na isinusulong ng MoLE-BARMM at DoLE-12 ay ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged, Displaced Workers (TUPAD) Program.
Ito ay isang programa ng DoLE Central Office, pinapatupad sa autonomous region ng MoLE-BARMM at DoLE-12, na naglalayong makapagbigay ng karagdagang kita para sa mga mahihirap sa pamamagitan ng โcash-for-workโ program kung saan makakatanggap sila ng kabayaran kapalit ng serbisyo para sa mga proyekto sa mga lugar kung saan sila naninirahan.
Abot sa 300 na mga residente ng tatlong barangay sa Cotabato City — ang Barangay Tamontaka Mother, Rosary Heights 7 at Kalanganan 2 — ang tumanggap cash-for-work ayuda na P3,610 cash-for-work bawat isa mula sa MoLE-BARM at DoLE-12. (Cotabato City, July 18, 2024)