Arestado ang mag-asawang drug den operators at anim na iba pa sa isang entrapment operation nitong Biyernes sa Barangay Cabaruyan sa Libungan, Cotabato na nagresulta din sa pagkasamsam mula sa kanila ng P91,000 na halaga ng shabu.
Sa pahayag nitong Lunes in Aileen Lovitos, director ng Philippine Drug Enforcement 12, hindi na pumalag pa si Rafael Cadungog Batomalaque, ang misis nyang si Catherine at ang kanilang kasabwat na si Joseph Librea Andresio ng arestuhin ng PDEA-12 agents na kanilang nabentahan ng shabu sa labas lang ng kanilang drug den sa Barangay Cabaruyan.
Limang iba pa, sina Ken Escropolo Cadungog, Romelo Nielles Demonteverde, Noel Andrada Bayona, Japhet Diaz Ignacio at si Crisanto Lariosa Dialogo, ang inaresto din ng PDEA-12 agents ng maaktuhang sumisinghot ng shabu sa isang kuwarto sa tahanan ng mga Batomalaque na ginawa nilang drug den na dinadayo ng mga taga ibat-ibang mga barangay.
Ayon kay Lovitos, malaki ang naitulong sa kanila ng mga barangay officials ng Cabaruyan at ng local government ng Libungan sa paglatag ng entrapment operation na nag-resulta sa pagka-aresto sa mag-asawang Batomalaque at ng anim na iba na, lahat nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (July 15, 2024)