BARMM textile products tampok sa Manila fashion show

COTABATO CITY (June 15, 2026) — Nabighani ang marami sa Metro Manila sa kalidad ng mga textile products ng Bangsamoro region at mga disenyo ng mga fashion attires ng regional designers, gamit ang mga ito, na tampok sa Manila International Fashion Week (MIFW) Season 7 na ginanap nitong Biyernes ng nakalipas na linggo, June 12, sa Okada Manila Hotel sa Manila.

Ang mga nagpapalakad mismo ng mga regular na Manila International Fashion Week activities ang nagkumbinsi sa mga officials ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na lumahok sa isang dedicated show para sa mga traditional fabrics mula sa BARMM at mga fashion designs gamit ang mga ito.

Mismong si Minister Farserina Mohammad, ng Ministry of Tourism, Trade and Industry-BARMM, ang nanguna sa mga preparasyon na kaugnay ng partisipasyon ng BARMM government sa MIFW Season 7 sa Okada Manila Hotel, kung saan ibinida ang matagal ng tanyag na mga traditional handwoven fabrics mula sa autonomous region — ang Tepo ng Tawi-Tawi, ang Pis Syabit ng Sulu, ang Tennun ng Basilan, ang Langkit ng Lanao del Sur at ang Inaul ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Sa espesyal na presentasyong Modest Fashion: Experience BARMM sa Okada Manila Hotel, itinampok ng MITT ng Bangsamoro government ang natatanging indigenous fabric industry ng autonomous region.

Sakop ng autonomous region ang mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Lamitan, Marawi at Cotabato.

Kabilang sa mga lumahok sa June 12 fashion event sa Okada Manila Hotel ang dating mga congresswomen na sina Bai Sandra Sema ng first district ng noon ay solo Maguindanao province na nahati na sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, at si Ruby Maquiso Sahali ng Tawi-Tawi.

Ang mga dating kongresistang sina Sema at Sahali ay popular sa kanilang masigasig na suporta sa mga programang naglalayong mapalago ang mga indigenous crafts sa BARMM at maka-konekta ang mga producers nito sa mga traders sa ibat-ibang rehiyon sa bansa at sa abroad.

Ipinakita sa naturang show ng mga regional designers ang mga fashion attires na kanilang disenyo, gamit ang handwoven fabrics na produkto ng BARMM.

Ayon kay MTIT Minister Mohammad, higit pa sa isang fashion presentation ang paglahok ng BARMM sa prestihiyosong fashion event dahil naipakita sa mga taga labas ng BARMM ang mga traditional fabrics na gawa sa autonomous na export grade ang quality.

Ayon kay MTIT Minister Mohammad, kabilang sa mga trade agenda ng kanilang ministry ang mapakilala sa international market ang mga handwoven fabrics na produkto ng autonomous region na itinuturing na isa sa mga cultural trademark, o racial identity, ng mga residente sa limang probinsya at tatlong lungsod na sakop nito. []