Patay ang isang shabu dealer habang sugatan naman ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang engkwentro sa Barangay Poblacion II sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Huwebes.Sa ulat nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, bumunot ng baril at nagpaputok si Haider Ali Dimacisil ng mapuna na mga hindi unipormadong anti-narcotics agents ang kanyang nabentahan ng P340,000 na halaga ng shabu kaya nagkapalitan ng putok na nagsanhi sa kanyang kamatayan.Ang entrapment operation na nauwi sa engkwentro na nagsanhi ng pagkamatay ni Dimacisil ay naisagawa sa tulong ng local government unit ng Shariff Aguak at ng pulisya.Ayon kay Castro, ang PDEA-BARMM agent na nasugatan sanhi ng pamamaril ni Dimacisil ay nagpapagaling na sa isang hospital.Magkatuwang na inaalam na ng PDEA-BARMM, ng Shariff Aguak LGU at ng lokal na pulisya kung sino-sino ang mga kasabwat ni Dimacisil sa pagbebenta ng shabu sa naturang bayan. (July 12, 2024)
Dealer patay, PDEA-BARMM agent sugatan sa engkwentro

