
Abot sa P680,000 na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa limang mga babaeng dealers na na-entrap ng sa Barangay Bagua 3 sa Cotabato City nitong hapon ng Biyernes, September 27, 2024.
Kinumpirma nitong Biyernes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang mga suspects na sina Salama Karim Dimalen, Jasmin Dimalen, Mali Omar Ukas, Iran Ukas at Baican Ukas Omar, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2004.
Sila at agad na inaresto ng PDEA-BARMM agents na kanilang nabentahan ng P680,000 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Mabini Street sa Bagua 3 sa Cotabato City. (September 27, 2024)