
Nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) ang P15 milyong halaga ng pekeng adhesive cement products sa magkahiwalay na bodega sa National Capital Region at sa Central Luzon.
Ni-raid ng NBI Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang mga tindahan at bodega sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at sa NCR.
Ang mga ni-raid na establisyimento ay mahaharap sa mga kaso para sa trademark infringement at unfair competition.
Ayon pa sa NBI, maghain na rin ng motion for destruction ang complainant upang masira ang mga pekeng adhesive cements.
Binanggit din ng mga otoridad na ang sinalakay na establisyimento ay hindi nagbabayad ng buwis.
Source: Abante Tonite, Nov.7, 2024