350 cases ng imported na sigarilyo, nasamsam sa Zamboanga del Sur

Nasabat ng mga pulis ang 350 na mga kahon ng sigarilyong gawa sa Indonesia na lulan ng isang truck sa isang checkpoint operation sa bayan ng Tigbao sa Zamboanga del Sur nitong Sabado, November 30, 2024.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng Tigbao Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, tinatayang hindi bababa sa P20 million ang halaga ng mga smuggled na sigarilyong nasamsam sa naturang anti-smuggling operation.

Ihahatid sana sa mga negosyante sa Tigbao at mga kalapit na mga imported na sigarilyo ng masabat ng mga operatiba ng Tigbao municipal police force na pinamumunuan ni Capt. Filadelfo Remolado Jr.

Nakatakda ng ipakustodiya ng pulisya sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang mga imported na sigarilyo. (December 1, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *