30 sugatan sa Zamboanga City “palpak” firecrackers, pyrotechnics disposal

Abot sa 30 ang sugatan, 19 sa kanila magkasama sa isang grupo na naatasang mag-dispose ng mga firecrackers at pyrotechnics, sa aksidenteng pagsabog ng mga ito habang dinidispatsa sa isang bakanteng lote sa Barangay Cabatangan sa Zamboanga City nitong hapon ng Lunes, July 8, 2024.

Ang bilang ng mga nasaktan, ilan sa kanila mga inosenteng residente, ay kinumpirma nitong gabi ng Biyernes mismo ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe at ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9.

Nagdulot din ng kasiraan sa ilang mga imprastruktura sa kapaligiran ang malakas na pagsabog, nagsanhi ng pagkabasag ng mga salamin na mga dinding at mga pinto na salamin ng ilang mga gusali na malapit sa kung saan naganap ang insidente. Ayon sa Zamboanga City Police Office at mga barangay officials, aksidenteng sumabog ng sobrang lakas ang mga paputok at pyrotechnics na sinilaban ng grupo naatasang magsagawa ng naturang operasyon sa Purok 2 sa Cabatangan, hindi kalayuan sa mga lugar na maraming mga bahay at ibat-ibang mga establisimento.

Sa ulat ng Zamboanga CPO, anim na police bomb experts, tatlong kasapi ng Philippine Coast Guard, limang mga taga Bureau of Fire Protection at limang mga miyembro ng Philippines ang nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan sanhi ng insidente.

Agad namang isinugod sa mga pagamutan na mga emergency responders mula sa Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga biktima sa mga pagamutan upang malapatan ng lunas. May teorya ang mga imbestigador ng pulisya at mga barangay officials sa Cabatangan na posibleng minadali ng mga biktima ang dapat sana ay dahan-dahan na firecrackers at pyrotechnics disposal process. (July 8, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *