3 rape suspects ng iba’t ibang korte, arestado

Tatlong mga wanted sa ibat-ibang kasong panggagahasa ang na-aresto ng mga pulis sa mga hiwalay na operasyon sa Central Mindanao kamakalawa.

Sa ulat nitong Linggo, September 15, 2024, ni Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12, nasa kustodiya na nila ang tatlong mga suspects, nakatakda ng litisin sa ibat-ibang mga korte.

Unang nasilbihan ng warrant of arrest ng magkasanib na mga operatiba ng PRO-12 at Criminal Investigation and Detection Group-12 ang 19-anyos lalaki na nasukol, sa tulong ng mga impormante, sa Barangay Kabulanan sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Makaraan ang ilang oras, isang 55-anyos naman na lalaki na taga Barangay Sewod sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat naman ang nasilbihan ng warrant of arrest, sa kasong panggagahasa ng mga menor-de-edad, na kusang loob ng nagpa-aresto sa mga pulis ng kanilang napalibutan ang kanyang tirahan sa naturang barangay.

Huling na-aresto ang isang 55-anyos na lalaki na wanted sa kasong statutory rape, sa Barangay Maan sa T’boli, South Cotabato, na natunton at nasilbihan ng warrant of arrest sa suporta ng barangay officials na siyang nagturo sa mga pulis kung saan ito nakatira sa naturang barangay. (September 15, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *