3 kilos shabu, nasamsam ng PDEA-BARMM sa Sulu

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang shabu dealers na nabilhan ng tatlong kilong shabu, abot sa P20.4 million ang halaga, sa isang entrapment operation ng magkasanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis sa Barangay Tulay sa Jolo, Sulu nitong Biyernes, November 22, 2024.

Sa mga hiwalay ng ulat ng regional office ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), naka-detine na ang dalawang mga lalaking shabu dealers na nalambat sa naturang operasyon, naikasa sa tulong ng tanggapan ni Sulu Gov. Abdusakur Mahail Tan, Sr.

Ayon sa PDEA-BARMM at PRO-BAR, agad na inaresto ang dalawang shabu dealers matapos silang magbenta ng P20.4 million na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong mga anti-narcotics agents na naglatag ng naturang entrapment operation sa Barangay Tulay sa Jolo, kabisera ng Sulu.

Sa pahayag ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro at Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, director ng PRO-BAR, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang naka-detine ng mga shabu dealers. (November 23, 2024)

Facebook image, Station DXMM, Jolo, Sulu 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *