PIKIT, Cotabato (September 10, 2026) — Libo-libong mga residente at mga traditional Moro at non-Moro indigenous communities sa mga barangays na sakop ng 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area, o SGA, sa probinsya ng Cotabato ang hayagang nagpakita na ng lubusang pagtanggap at pagsuporta sa apat na governance objectives ng kanilang tinaguriang “Doc Jojo” na nais nilang mailuklok sa 80-seat parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Si Doc Jojo ay ang Indian-trained physician-ophthalmologist na si Doctor Kadil Sinolinding, Jr., kasalukuyang appointed member ng Bangsamoro parliament at minister din ng Ministry of Health-BARMM. Siya ay unang naging municipal health officer, dalawang dekada na ang nakakalipas, ng magkatabing mga bayan ng Montawal at Pagalungan sa Maguindanao del Sur at doon siya nakilala bilang “doctor to the barrio.”
Si Doc Jojo at ang public service team ng kanyang tanggapan sa parliament, mga kawani ng MOH-BARMM, mga local government health workers sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at old Kaabacan sa 2nd district ng Bangsamoro SGA, at ang administrasyon ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ay mahigit 6,000 na na may mga karamdamang mga bata, mga buntis at mga senior citizens sa naturang apat na mga bayan ang nagamot at nabigyan ng nutrition support sa kanilang mga magkatuwang na mga relief missions mula ng siya ay na-appoint na BARMM parliament member noong 2022 at naging health minister halos tatlong taon na ang nakakalipas.
Isasagawa na ngayong September 14 ang kaunaunahang BARMM parliamentary elections at mismong mga residente, mga Moro datu at mga bai, mga leaders ng indigenous non-Moro communities at mga officials ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at old Kaabacan ang naghikayat kay Doc Jojo na mag-kandidato bilang parliament representative ng 2nd district ng Bangsamoro SGA.
Ipinaabot nitong Huwebes ng mga residente ng mga bayan ng Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at old Kaabacan sa mga news reporters sa ibat-ibang bayan sa probinsya ng Cotabato at sa Cotabato City, na siyang regional capital ng BARMM, na pabor sila sa “Apat Dapat” na governance objective in Doc Jojo kung mahalal siyang parliament member.
Apat ang kanyang layuning maipalaganap bilang elected parliament member — ang (1) magandang kalusugan at nutrisyon, (2) Karunungan lalo na sa mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon at iba pang learning interventions, (3) Kabuhayan para sa lahat, at (4) kapayapaan na kailangan para sa kaunlaran ng lahat ng mga barangays sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at old Kaabacan.
Ayon sa mga kasapi ng Islamic religious groups sa naturang apat na mga bayan, mga Moro datu at mga bai at mismong mga botante walang tinitira, o tinutuligsa, o sinisiraan si Doc Jojo sa pangangampanya ng kanyang kandidatura para sa BARMM parliament, kaya sila mas humanga lalo sa kanya. []

