Day: September 8, 2026

  • Mga taga Cotabato City, nais malinis, tahimik na BARMM elections

    Mga taga Cotabato City, nais malinis, tahimik na BARMM elections

    COTABATO CITY (September 8, 2026) — Muling tiniyak nitong Martes, September 8, ng liderato ng Bangsamoro Federalist Party at ng mga miyembro at mga supporters nito sa magkatuwang na inisyatibo ng Commission on Elections, ng Armed Forces at ng Philippine National Police na maging mapayapa at malinis ang September 14 parliamentary elections sa autonomous region.

    Ang spokesperson ng Bangsamoro Federalist Party — ang abogadong si Naguib Sinarimbo na miyembro ng 80-seat parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao — ang muling nagpaabot sa mga reporters nitong Martes ng commitment ng kanilang partido sa naturang layunin ng Comelec, ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ng Western Mindanao Command ng Armed Forces na magkatuwang na nakahanda na para sa September 14 parliamentary elections.

    Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa pagsisikap ng Comelec na maging mapayapa at malinis ang September 14 BARMM elections ang daan-daang mga Christian community leaders, ilan sa kanila mga Catholics, at mga kasapi ng indigenous non-Moro Teduray group sa Cotabato City, capital ng Bangsamoro region, na suportado ang kandidatura ni parliament member Sinarimbo sa parliamentary seat ng 2nd district ng lungsod.

    Ganuun din ang pahayag ng Muslim supporters ni Sinarimbo, kabilang sa kanila ang mga barangay captains at mga barangay councilors sa 2nd parliamentary district ng Cotabato City district.

    Sila mismo ang naglilibot sa 2nd parliamentary district ng Cotabato City upang ikampanya, ipakita sa publiko ang kanilang suporta sa kandidatura ni Sinarimbo na siyang chapter chairman ng Bangsamoro Federalist Party sa lungsod.

    Sa mga hiwalay na pahayag nitong Martes ng mga officials ng Bangsamoro regional police sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte, at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat sa naturan ding probinsya, malaking tulong sa kanilang mga election security duties, sa pamamahala ng Comelec, ang public support sa naturang inisyatibo.

    Kanilang binigyang diin na ang publiko at ang mga botante ang siyang may malaking maitutulong sa pagsisikap ng Comelec, ng Philippine National Police at ng Armed Forces na maging mapayapa ang September 14 parliamentary elections sa limang probinsya ng BARMM at tatlong lungsod na sakop nito, kabilang ang Cotabato City na siyang regional capital ng autonomous region.

    Makikita sa larawan ang community dialogue, isa sa marami ng naisagawa sa Cotabato City, ng grupo nila Sinarimbo at ng mga supporters ng Bangsamoro Federalist Party na nais maging credible at peaceful ang September 14 BARMM elections. []