Day: September 6, 2026

  • Nakagamot ng marami, hindi kinakalimutan, mahal nila walang alinlangan

    Nakagamot ng marami, hindi kinakalimutan, mahal nila walang alinlangan

    PIKIT, Cotabato (September 6, 2026) — Nagalak ang napakaraming mga residente ng apat sa walong mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic — ang Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao — sa paglilibot sa kanilang mga barangay ng kanilang kinikilalang si “Doc Jojo,” kanilang paborito dahil sa pagseserbisyo nito sa publiko.

    Ang medical mission team sa tanggapan ni Doc Jojo sa Bangsamoro parliament at ng mga kawani ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay libo-libo na sa naturang apat na bayan ang nagamot sa mga serye ng community service activities nila mula 2022.

    Ang kinikilalang Doc Jojo sa Bangsamoro Special Geographic Area ay walang iba, ang physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr., miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament at naninilbihan din bilang minister ng MoH-BARMM.

    Nagsimula siya bilang “doctor to the barrio” noong unang nanungkulan, noong 1990s, bilang municipal health officer ng mga magkatabing mga bayan ng Montawal at Pagalungan sa ngayon ay Maguindanao del Sur province na.

    Tumanggap si Doc Jojo ng maraming awards dahil sa pagseserbisyo publiko, kabilang ang Ten Outstanding Young Men of the World sa Portugal sa Europe, mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas, batay sa nominasyon ng chapter sa sa bansa ng Jaycees International.

    Sa tala ng mga kawani ng MoH-BARMM, ng mga municipal government health workers at ng mga kasapi ng public service mission teams ng tanggapan sa Bangsamoro parliament ni Doc Jojo, abot ng 6,019 na mga residente ng Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao at mga karatig na iba pang bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area ang kanilang magkatuwang na nagamot ang mga karamdaman, marami sa kanila may mga cataract at pterygium sa mga mata na na-opera at nalunasan na.

    Sa paglilibot ni Doc Jojo sa mga barangay sa Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao nitong nakalipas na mga araw, niyakap siya ng mahigpit ng bawat isa sa mga nakabenepisyo ng kanilang medical missions sa naturang mga bayan, karamihan mga senior citizens na dahil sa kanyang maagap na paggamot ng kanilang mga problema sa mata, naging malinaw ang kanilang mga paningin, bagay na labis nilang pinahahalagahan kung kaya sa mga yakap at pakikisalamuha sa kanya, labis na pasasalamat sa publiko kanilang tahasang ipinakikita, pinapadama.

    Makikita sa larawan si Doc Jojo na yakap ng mga residente ng Bangsamoro Special Geographic Area na kanyang nagamot ng libre ang mga sakit, kanyang nakasalamuha sa kanyang paglilibot sa Ligawasan, Old Kaabacan, Kapalawan at Malidegao.