Day: August 29, 2026

  • Samahang para sa kaunlaran, kapayapaan ng Ligawasan

    Samahang para sa kaunlaran, kapayapaan ng Ligawasan

    PIKIT, Cotabato (August 29, 2026) — Sina Bangsamoro Parliament Member Kadil Sinolinding, Jr. at ang vice mayor ng Ligawasan sa Bangsamoro Special Geographic Area, si Jenaida Abas, ay nagpulong nitong Biyernes, August 28, at nagkasundo na mas palawigin pa ang kanilang kooperasyon sa mga programang para sa kapayapaan at kaunlaran ng mga residente sa naturang bayan.

    Ang Ligawasan ay isa sa walong mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area, o Bangsamoro SGA, na sakop ng regional government ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngunit nasa loob ng probinsya ng Cotabato sa Administrative Region 12.

    Sina Bangsamoro parliament member Sinolinding, na kasalukuyang minister din ng Ministry of Health-BARMM, si Vice Mayor Abas at ang kanyang ama, si Akmad “Jack” Abas, na kasapi din ng 80-seat Bangsamoro parliament, ay tanyag sa kanilang pagtutulungan sa mga community activities para sa ikakabuti ng mga residente ng lahat ng mga barangay sa Ligawasan at ng mga Moro at non-Moro communities sa iba pang mga lugar sa palibot ng naturang bayan.

    Mas kilala si Sinolinding bilang “Doc Jojo” sa Bangsamoro Special Geographic Area. Siya ay physician-ophthalmologist na nagpakadalubhasa sa India at marami ng awards na tinanggap kaugnay ng kanyang pagse-serbisyo publiko, kabilang ang Ten Outstanding Young Men of the World na iginawad sa kanya, bilang nominee ng Jaycees International-Philippines, sa Portugal sa Europe noong 2021.

    Mahigit 5,000 na na mga residenteng Moro at non-Moro ang naka-benepisyo sa mga magkatuwang na medical at relief missions ng tanggapan ni Sinolinding sa parliament at kanyang mga sakop na kawani ng Bangsamoro regional health ministry at ng mga mayors at barangay officials sa Ligawasan, sa Old Kaabacan, sa Malidegao at sa Kapalawan, mula 2022, maliban pa sa kanilang mga napagsilbihan sa apat pang ibang mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area

    Ang mga public service programs ng tanggapan ni Sinolinding sa second district ng Bangsamoro Special Geographic Area, na sakop ang Ligawasan, Old Kaabacan, Malidegao at Kapalawan, ay suportado ng lahat ng mayors at mga barangay officials sa naturang apat na mga bayan at ng governor ng Cotabato, si Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

    Bagama’t hindi na sakop ng Cotabato province ang Bangsamoro Special Geographic Area mula ng maitatag ang BARMM noong 2019, wala pa ring tigil ang pagtutulungan nila Gov. Lala, Sinolinding, ng MoH-BARMM at ng mga mayors sa ibat-ibang mga humanitarian activities sa mga bayan na sakop nito.

    Makikita sa larawan sina Vice Mayor Abas at Sinolinding, nag-pulong sa Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato nitong Biyernes. []