Day: August 24, 2026

  • Supporters ni “Doc Jojo” nais malinis na BARMM elections

    Supporters ni “Doc Jojo” nais malinis na BARMM elections

    COTABATO CITY (August 24, 2026) — Nanawagan ang mga residente, local officials at mga Moro datu na supporters ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Sinolinding, Jr. sa 6th Infantry Division at sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na bantayan ng mahigpit ang mga paaralan kung saan sila boboto kaugnay ng September 14 Bangsamoro parliamentary elections.

    Ang kanilang kahilingan ay kaugnay ng kanilang kagustuhan na maiwasan ang anumang pandaraya na maaaring maganap kaugnay ng naturang electoral exercise, pinaka-unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

    Hiniling nila sa mga news reporters sa Cotabato City at sa mga karatig na probinsya nitong Linggo, August 23, na ipaabot kina Army Brig. Gen. Ricky Bunayog, commander ng 6th ID, at Brig. Gen. Christopher Abecia, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, at sa regional director ng Commission on Elections sa BARMM, ang abogadong si Ray Sumalipao, na suportado nila ang inisyatibo ng 6th ID, ng PRO-BAR at ng Comelec na maging malinis at mapayapa ang September 14 regional elections sa Bangsamoro Special Geographic Area.

    Ang physician-ophthalmologist na si Sinolinding ay mas kilala sa walong mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato na “Doc Jojo” na, maliban sa kanyang pagiging miyembro ng 80-seat Bangsamoro regional parliament, ay minister din ng Ministry of Health Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

    Si Sinolinding ay isa sa limang na mga kandidato para sa parliament seat ng 2nd district ng Bangsamoro Special Geographic Area na sakop ang mga bagong tatag na mga bayan ng Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan.

    Sa pinakahuling tala ng mga municipal at barangay officials at ng mga kasapi ng public service teams ng tanggapan ni Sinolinding sa parliament at sa MoH-BARMM, abot na ng 5,019 na mga mahihirap na mga residente sa naturang apat na Bangsamoro SGA municipalities ang nagamot ang mga karamdaman, na-opera ang mga cataract at pterygium sa mga mata sa kanilang mga medical missions mula ng siya ay itinalagang member of parliament noong 2022 ni President Ferdinand Marcos, Jr.

    Ayon sa mga local executives at mga residente ng Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao at Ligawasan na lantarang kinakampanya si Sinolinding bilang suporta sa kanyang kandidatura sa parliament seat na sakop ang naturang mga bayan, dapat na maging Malaya, malinis at mapayapa ang September 14 BARMM elections sa kani-kanilang mga lugar.