2 sa Region 12 posibleng na-infect ng monkeypox virus

Dalawang residente ng Region 12 ang nasa isolation facility na ng Department of Health-12 dahil nakitaan ng sintomas ng monkeypox virus infection.

Ito ay iniulat ng manggagamot na si Dyan Zubelle Roquero Parayao, chief ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH-12, sa isang press briefing nitong Lunes sa Koronadal City, kabisera ng Region 12.

Ayon kay Parayao, pinadala na ng DOH-12 ang blood samples ng dalawang pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine para masuri at matiyak kung sila ay na-infect ng monkeypox virus.

Parehong may skin rashes, mistulang mga galos, at mga pantal-pantal sa katawan at pabalik-balik na lagnat ang dalawang pinagduduhang na-infect ng monkeypox virus, ayon kay Parayao.

Ayon kay Parayao, under observation din ang ilang mga indibidwal na naka-close contact ng dalawang pasyenteng nasa isang isolation facility na ng DOH-12. (September 3, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *