2 radio reporters sa Kidapawan City pinaaresto ng korte

Sumuko sa pulisya at agad na nagpiyansa ang manager ng Brigada radio station sa Kidapawan City at isang reporter nito kaugnay ng kanilang kasong child pornography bunsod ng kanila diumanong hindi maingat na pagbabalita.

Kinumpirma nitong Biyernes ng mga opisyal ng Cotabato Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12 ang pagsuko nitong Miyerkules ng Brigada station manager na si Eva Molina at reporter nilang si Robert Charles Encio sa Makilala Municipal Police Station ng malaman nilang may mga warrants of arrest na para sa kanila mula sa isang korte kung saan nakasuhan sila ng child pornography photo and video voyeurism.

Ang naturang kaso ay bunsod ng kanilang pagbalita at paggamit ng mga larawan at video footage ng mga menor-de-edad na may ginawang napaka-pribado at maselang pakikipag-unayan na hindi ginamit ng ibang mga radio reporters sa Kidapawan City bilang pagsunod sa code of ethics sa pamamahayag.

Isang palaisipan sa media community sa Central Mindanao kung bakit sa Makilala MPS sumuko ang mga nakapag-pyansa ng sina Molina at Encio at hindi sa Kidapawan City.

Ayon sa mga opisyal ng Cotabato PPO at PRO-12, ang mga warrant of arrest mula sa isang korte sa Kidapawan City para kina Molina at Encio ay lumabas ilang linggo lang kasunod ng kanilang pagtalakay sa radio at paglathala sa kanilang station Facebook page ng naturang maselan na issue. (July 25, 2024, Handout Police Photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *