
Dalawang mga commander ng Moro Islamic Liberation Front — sina Abubakar Guiaman at Mohammad Ali Tambako — ang nahatulang makulong kaugnay ng homicide cases na isinampa sa kanila dahil sa kanilang pagkakasangkot sa tinaguriang massacre ng mga kasapi ng Special Action Force ng pulisya sa isang liblib na barangay sa Mamasapano, Maguindanao del Sur noong December 25, 2015.
Lumabas ang hatol ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153 laban kina Guiaman at Tambako nito lang Lunes, December 16, 2024.
Aarestuhin sana ng mga pangkat ng SAF si Indonesian terrorist Zulkilfli bin Hir, mas kilala bilang “Marwan,” sa Barangay Pidsandawan sa Mamasapano ng sila ay tambangan ng mga miyembro ng MILF at ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Unang napatay si Marwan sa naturang police operation at palabas na sana ang mga operatiba ng SAF mula sa kanyang kuta, dala ang kanyang bangkay, ng sila ay tambangan ng mga miyembro ng naturang dalawang grupo.
Muntik pang ma-diskarel ang peace talks noon ng MILF at ng Philippine government dahil sa insidente.
Unang nakasuhan ng multiple murder, direct assault with murder, sina Guiaman at si Tambako ngunit ibinaba sa homicide ng korte ang criminal charges laban sa kanila.
Sa hatol ng Taguig City Regional Trial Court Branch 153, si Guiman at Tambako ay makukulong ng hindi bababa sa 14 taon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa Mamasapano encounter na nagsanhi din sa pagkamatay 18 na mga miyembro ng MILF at ng mga residente ng mga lugar kung saan naganap ang madugong insidente. (December 21, 2024)