
Maagap na nasabat nitong Sabado, September 28, 2024, ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency at mga pulis sa Matnog Port sa Matnog sa Sorsogon sa Bicol Region ang abot sa P15 kilos na shabu, nagkakahalaga ng P90 million, na ihahatid sana sa Luzon ng dalawang diumano mga Maguindanaon.
Nasa kustodiya na ng PDEA-Sorsogon ang dalawang suspects, sina Kabilan Yusop Arsad, 30-anyos, at Tato Kumpi Jehamin, 21-anyos.
Sa inisyal na ulat ng PDEA-Sorsogon, si Arsad ay taga poblacion ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur habang si Jehamin naman ay residente ng Talitay, Maguindanao del Norte.
Naharang ang sasakyan ng dalawa sa Matnog Port, isasakay sana sa isang roll-on, roll-off ferry na patungong Luzon, ayon sa PDEA-Sorsogon. (September 29, 2024, handout photo)