2 estudyante patay sa ambush sa Cotabato province

Patay ang dalawang estudyanteng magka-angkas sa motorsiklo ng tambangan ng mga armadong nakapuwesto sa gilid ng kalye sa Barangay Inug-ug sa Pikit, Cotabato nitong umaga ng Martes.

Sa inisyal na ulat ng Pikit Municipal Police Station na natanggap ng mga reporters isang oras makalipas ang insidente, patungo na sana sa kanilang paaralan si Muslimin Nanalong at Rafael Indong, parehong Grade 11 students, ng ma-ambush sa Barangay Inug-ug.

Patay agad sa mga tama ng bala si Nanalong habang sa hospital naman nalagutan ng hiningi si Indong.

Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush sa dalawa, ayon sa mga imbestigador ng lokal na pulisya at mga barangay officials sa Inug-ug, hindi kalayuan sa poblacion ng Pikit.

Ang nasawing magka-klase na sina Nanalong at Indong ay nakatira sa hindi kalayuang Barangay Kabasalan sa bagong tatag na bayan ng Ligawasan na sakop ng Bangsamoro region ngunit nasa Cotabato na isa sa apat na mga probinsya ng Administrative Region 12. (Dec. 3, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *