18 sa South Cotabato jail, positibo sa gamit ng shabu

Abot sa 18 na mga nakulong sa South Cotabato Provincial Jail sa Koronadal City ang nag-positibo sa drug tests na isinagawa para malaman kung sino sa mga preso doon ang gumagamit ng illegal na droga.

Ito ay kinumpirma mismo ni South Cotabato Provincial Jail Warden Juan Lanzaderas sa panayam sa kanya ng mga himpilan ng radyo sa Koronadal City, ang kabisera ng South Cotabato, nitong Martes, November 19, 2024.

Ayon kay Lanzaderas, kanilang isinagawa ang drug testing para sa mga nakakulong sa sa provincial jail batay sa ulat ng ilan sa mga preso na may patagong nakakapasok na shabu sa mga selda dala ng mga dumadalaw na mga kamag-anak.

Iniimbestigahan na ang ilang jail guards na posibleng may kinalaman sa pagpupuslit ng shabu sa provincial jail. — November 19, 2024

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *