๐—ฃ๐Ÿญ.๐Ÿฏ-๐—  ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐—ธ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes, July 17, 2024, ang P1.3 million na halaga ng shabu sa isang dealer na diumano may mga contacts sa tatlong lungsod at dalawang probinsya sa Mindanao.

Kinumpirma nitong Huwebes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang 26-anyos na si Najer Cosain Arumpac, nalambat ng kanilang mga agents sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City.

Hindi na pumalag si Arumpac ng arestuhin ng mga hindi unipormadong mga PDEA-BARMM agents at mga kasapi ng Cotabato City Police Office na kanyang nabentahan ng 200 gramo ng shabu, nagkakahalaga ng P1.3 million, sa isang entrapment operation na nailatag sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanyang illegal na gawain.

Ayon sa mga opisyal ng mga intelligence units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ng 103rd Infantry Brigade at the 6th Infantry Division, si Arunpac ay ay mga kasabwat sa pagbebenta ng shabu sa Marawi City, sa Iligan City, sa ilang mga bayan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Norte at sa siyam sa 37 barangays dito sa lungsod na siyang kabisera ng BARMM. (Cotabato City, July 18, 2024)

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *